top of page

Ikaw at Ako (Spoken Word Poetry)

  • by MERJOHN SEN ADVINCULA
  • Oct 16, 2017
  • 3 min read

6:40PM

I will just share this SPOKEN POETRY wrote by my ex, Merjohn. He wrote this for me, I don't know why. Maybe just because he loves me so much. Hahaha Anyways, Thank you so much.

__________________________________________________

Ikaw at ako Sinubukan ng tandhana na tayo'y pagtagpuin Pagtatagpong di mapigilang dahilan Dahilan upang tayo'y magmahalan. Sa di inaasahang oras at panahon Ginugugol ang bawat pagkakataon Na ikaw lang ang mamahalin Christian Villalon.

TAYO....ang salitang lagi kong pinag-iingatan Dahil baka ako'y matalo sa labanan Na alam kong parehas tayong masasaktan. Pero mahal, lagi mong pagkatandaan Umula't bumagyo man, andito lang ako Mahalin kita at mamahalin parin kita.

Distansya man ang hadlang sa'ting dalawa Di ito hudyat para talikuran ka Dahil higit na mas malapit ka sa puso ko kahit ang layo-layo mo. Isa..dalawa...tatlo..apat..lima..anim..pito..walo..siyam.sampu. Sampung beses mang tayo'y buwagin ng tadhana, Sampung dahilan man na tayo'y magkasala Di ito rason para layuan ka... Dahil mahal, alam kong ikaw na ang tao para sakin. Yung taong kukumpleto sa bawat araw ng buhay ko. Siyam.. Siyam na buhay man na meron ako, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Ipagsisigawan sa mundo ang pangalang christian villalon na nakilala ko. Walo... Walong araw man tayo'y magkatampuhan, Walong beses mang tayo'y magbangayan, Makiusap at makikiusap ako sa'yo Dahil handa kong iwan ang lahat 'Wag lang ang taong minahal ko na ng higit pa sa sapat. Pito... Pitong beses mo man akong matulugan Pitong beses mo man akong kalimutan Hinding-hindi ako magsasawa sa kakaintindi sa'yo Dahil higit pa man sa pitong libong kasalanan man ang nagawa mo Hahanap ako ng isang rason para wag lalayo sa'yo At yun ay yung Mahal kita. Anim... Anim na buwan man ang hihintayin ko Kakayanin at maghihintay parin ako Dahil ipaglalaban kita sa anim na rason. Ipaglalaban kita dahil mahalaga ka Ipaglalaban kita dahil ikaw ang sinisigaw ng puso ko Ipaglalaban kita dahil gusto ko Ipaglalaban kita dahil ikaw ang kasiyahan ko Ipaglalaban kita dahil akin ka At ipaglalaban kita dahil mahal kita. Lima... Limang taon sana ang malampasan nating dalawa Dahil ito na'ng hudyat na tayo'y forever na. Limang toneladang labahin man, kakayanin natin hangga't pareho nating sisikapin. Dahil walang imposible sa taong madiskarte. Apat... Apat na rason kung bakit merong TAYO Tayo dahil may Ikaw at Ako Tayo dahil pareho tayong di sumusuko Tayo dahil mahal kita at mahal mo ako Tayo dahil tayo'y PINAGTAGPO☝ Tatlo... Tatlong bagay lang ang gusto kong ipaaalala sa'yo... (1)Mahal, dumating man ang araw na ako'y napapagod na "Pakiusap,intindihin mo ako dahil ako'y nababalisa" (2)'Pag sinabi kong pagod lang ako, pakiusap Mahal, wag Break agad ang banggitin mo dahil di break-up ang solusyon kundi matamis na Iloveyou galing kay christian villalon. (3)'Pag pareho tayong nalilito,pakiusap bigyan natin ng oras ang lahat bago tayo magdesisyon. Dahil mahal di ko kailangan na sandaang rason mula sa'yo para ako'y mahalin mo dahil ang mahalin ka ng higit sa sapat ay Kuntento na ako. Mahal, hayaan mong mahalin kita sa alam kong paraan. Sa alam kong pareho tayong masisiyahan. Dahil sigurado na akong ikaw ang mamahalin ko magpakailanman. Dalawa... Tayong dalawa ang bida sa ginagawa kong istorya. At di ko hahayaang mahal na may makikisawsaw sa'ting dalawa. Dalawang bagay lang ang maipapangako ko sa'yo. (1)ikaw at ako ay di na muling magkakalayo sa ilalim ng mga bituin (2)Di ko papansinin ang bawat sigalot sa buhay natin at ika'y aking mamahalin. Isa... Isang taon akong naghintay upang muling magmahal. Sa isang tao ko lang muli pinagkatiwala ang aking asal Sa isang tao ko lang naramdaman na ako'y mundo nya. Mundong kaya nyang baguhin para lang sa aming dalawa. Isang taong handa akong ipaglaban kahit ang bigat-bigat na Isang taong handa akong saluhin pag ako'y napapagod na Isang taong handa akong damayan, araw at gabi man. Isang taong naging dahilan kung bakit ako'y nasisiyahan At sa isang taong yun, sa kanya ko naramdaman ang tunay na ligaya na kaytagal kong inaasam.

Comments


Follow

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest

Contact

09566304557 / 09192158242

Address

Basak Pardo Cebu city

©2016 BY CHRISTIANVILLALON24.COM. PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

bottom of page