top of page

DISTANS---SYA

  • Writer: Christian Villalon
    Christian Villalon
  • Oct 27, 2017
  • 3 min read

Payakap nga! Nanghihina ako.

Kapag sinasabi mong mga salitang iyan. Kasi.. Lalo kulang nararamdaman and distansya nating dalawa. Napaka simpleng salita pero mahirap gawin. Kasi ang layu mo. Oo.. Di kita mayakap ngayun, Hindi ko mahawakan mga kamay mo kapag may problema ka. Hindi kita maihiga sa mga hita ko, pag nag lalambing ka. Pero.. Lahat ng iyan ay kakayanin ko kahit sobrang hirap pa. Hindi man kita malambing kapag may tampuhan tayu, Hindi ko man nasisilayan mga ngita mo, sa tuwing sinasabi mong mahal mo ako. Hindi ko man marinig ng personal ang tawa mo, kapag nagbibiruan tayu. Pero titiisin ko yan, para maipakita sa iyo na gaano kita ka mahal.

Sa daming beses na inaway kita, Andiyan ka pa rin, pilit mo parin akong inintindi. Kahit na alam kung mahirap akong pakisamahan. Pero ang totoo niyan, hindi kita bibitawan. Alam mo ba ang dahilan? Dahil ayaw kong mawala ka. Dahil sa piling mo lang ako magiging masaya. Oo.. Magkalayu tayu ngayun, Pero di naman yun pirmaninte eh! Dahil darating ang araw na makakasama din kita.

Distansya. Maraming nagsasabi na dito mo raw masusubok ang isang relasyon, Pero palagi mong tatandaan- Distansya lang yan! Kaya natin yan! Kahit sabihin nating madaling sabihin, Pero wala ka namang magagawa kundi tanggapin. Wala yan sa distansya, nasa tao yan. Totoo pala ang sabi nila, Na kapag daw ang isang tao ay malayo sayo, lalo daw malalim ang nararamdaman mo. Kasi nga...andiyan kung pagkasabik na makita mo siya.

Alam mo bang palagi kitang naiisip? Hindi ako makakatulog sa kaiisip sayo. Yung lage kitang hinahanap kahit hindi pa kita nakakasama sa personal. Siguro..para sa iba balakad yung distansya. Pero maganda naman tong sukatan, Kung gaano tayo kahigpit at maghintay. Marami man ang tampuhan at hindi pagkakaintindihan sating dalawa. Pero kaya natin to diba? Hindi man madali yung ganito dahil malayo ka. Yung tipong magkaiba tayo ng mundong ginagalawan- Parehas man tayo ng oras at kailangan nating baguhin ang oras ng pagtulog at pag gising. Para lang mapanatili ang komunikasyun. At minsan.. Dun pumapasok at naiisip ko na..baka mapagod ka na at magsawa sa mga bagay na palagi nating ginagawa.

Mga pagtatampo ko na alam ko namang minsang..wala naman talaga sa lugar. Kasi... Heto yung mga bagay na hindi ko masabi, Dahil di ko kayang ipaliwanag. Ang alam ko lang ay laging napakaraming tanong sa aking isipan. Halos dumating ang oras na naisip ko na.. Anu bang mas mahalaga? Yung mga sinasabi mo, Yung mga pinapakita mo or pinaparamdam mo. At dahil dun, Naliwanagan ako, Na marami mo nang nagawa para sa akin, At hindi ko nakikita nuun dahil nabubulagan ako sa mga bagay na hinahanap ko na hindi mo magawa. Sabi nga.. Ang pagmamahal ay hindi sinasabayan ng pagrereklamo, Kaya kung mahal mo, intindihin mo.

Mahal kita, Mahal mo ako. Sapat na ang rason upang patuloy na kumapit tayu sa isat-isa. Nakaka-inggit yung magkarelasyon na magkakasama. Ang sarap siguru sa pakiramdam ng ganun nohhh. Na, nagkikita kayo ng hindi lang sa ''Messenger'' Hinahawakan yung kamay sa isat-isa, Nayayakap at nahahalikan. Kasi ako? Hindi ko alam kung kailan kita makakasama ng personal. Pero andun ang pag-asam Na sana, isang araw- Nasabi ko ng nakatingin sa mga mata mo, Ang salitang MAHAL KITA.

Kaya isang pabor lang ang hihilingin ko sayo. Alagaan at ingatan mo sarili mo, Habang wala pa ako. Dahil pag nasa tabi na kita, Papahalagahan kita ng sobra.

MONTHSARY message.

コメント


Follow

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest

Contact

09566304557 / 09192158242

Address

Basak Pardo Cebu city

©2016 BY CHRISTIANVILLALON24.COM. PROUDLY CREATED WITH WIX.COM

bottom of page